Wednesday, July 27, 2011

More ... Growing Up in Pangarap Village

Marvin
I read the blog its nice, I used to watch Espinosa running off the street of Pangarap.

Myra
Nice Charmel...Remember talon?kung saan dumadayo ang lahat para mag swimming at manghuli ng hipon at talangka.Ang ilog kung saan naglalaba,Tree planting kung saan nangangahoy,at nangunguha ng mushrooms.At kung Huwebes santo kung kelan lumalabas lahat ng tao at sabay sabay na naglalakad papuntang Grotto.Lahat ng ito ay inabutan ko at nakagisnan ng mga anak ko.Papano mo iiwan ang isang lugar na naging bahagi na ng buong buhay mo?...:((

Angelo
At syempre ang gotohan ni Mang Arthur sa gate, balut at penoy na pasalubong. Maning malutong na pampulutan. Dito tayo namulat. Dito tayo nagkaruon ng mga kaibigan. Dito tayo natutong tumayo sa mga paa natin para sa ating pamilya. Maraming magagandang bagay na nangyare sa atin dito na hanggang ngayon dala dala natin sa araw araw na pamumuhay natin. Bakit nila kukunin itong lahat sa atin para lang sa kanilang sakim na kapakanan?

Marvin
I used to go the central old church yung luma kahoy lng dati and i used to fly my saranggola on that area. I played basketball sa tapat ng elementary school kahit umuulan hindi pa covered kagaya ngayon. I remember ilan ilan pa lng ang mga bhay nun and the rest talahiban pa tlga

Dusty
nde ko malilimutan tuwing tag-ulan, may plastic akong suot sa paa para nde maputikan ang sapatos ko pag papasok ako sa school tapos tatanggalin ko pag nasa gate na ako...yan ang taga-pangarap maabilidad! pag-uwian na at maputik pa rin..no choice hubad na ang sapatos kasama pati medyas sabay lusung sa putikan...ok lng pauwi naman na e!

Gigi
when it comes to talent, Pangarap has the best! The choirs of Pangarap won the competitions in Lagro and Amparo in the 80s. They joined and won competitions in Eat Bulaga. We have a roster of youth leaders who are now professionals in their own fields, locally and abroad.

Gigi
We also have our share of intellectuals, we have a PMA-er class salutatorian, we have our honor students from Mirriam and PUP. I heard their is a Ms. Kalookan who is from Pangarap. And this kid who is making waves at GMA's Amazing Cooking Kids is from Pangarap.

No comments:

Post a Comment